Showbiz News

READ: 'Super Ma'am' star Shyr Valdez, dinipensahan si Marian Rivera

By Bea Rodriguez

May lumabas na balita sa isang entertainment website tungkol sa negative work attitude ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Ito daw ay ayon sa mga staff ng GMA-7.

 

Ilang beses na raw ang aktres mag-pack up sa taping kapag wala siya sa mood magtrabaho mula pa sa kanyang self-titled weekly musical-variety show na Marian hanggang sa pinagbibidahang action-fantasy series ngayon na Super Ma’am.

Ipinagtanggol si Marian ng kanyang Super Ma’am co-star na si Shry Valdez at sinabing walang katotohanan ang mga paninira kay Marian.

“Sa totoo lang, maganda po ang samahan [ng] lahat [ng] artista at production [ng] ‘Super Ma’am.’ Ako bilang isa sa cast ay mag papatunay na ang Primetime Queen ay napakabait sa lahat [at] walang arte sa kahit na anong aspeto [ng] show,” depensa ng aktres sa kanyang Instagram post.

Nakasama na ni Shyr si Marian sa Carmela at mas lalo niya itong minahal. “Happy set” raw ang Super Ma’am at kaya itong patunayan ng ibang cast ng show.