Showbiz News

LOOK: Wyn Marquez, abala sa pre-pageant activities ng Reina Hispanoamericana 2017

By Bea Rodriguez

Abala ang kauna-unahang Filipina representative at natatanging Asian contender na si Teresita Ssen “Wyn” Marquez sa hinandang pre-pageant activities ng Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia.

 

Ilang araw pa lang sa South America ang Pinay beauty, sumabak na siya sa ilang photo shoots, TV at radio guestings kasama ang ilang Latina beauties na sina Panama, Nicaragua, Paraguay, Canada, Uruguay, Portugal, Costa Rica, Cuba at Dominican Republic.

 

 

“[I’m] jumping from one shoot to another, guestings left and right, and I’m enjoying every minute of it! Minsan struggle sa mga interviews pero ang swerte ko dahil sobrang babait lang ng candidates,” saad ni ng Kapuso star sa kanyang Instagram updates.

Pinasalamatan ni Wyn sina Ms. Nicaragua, Ms. Paraguay, Ms. Cuba at Ms. Panama sa pagtulong nila sa kanya na isalin ang mga tanong mula sa Español upang maintindihan niya.

Very proud naman ang kanyang boyfriend na si Mark Herras sa mga nararating niya, “Wow, my pangga! [I’m] so proud of you! Kayang kaya mo ‘yan. Laban lang, pangga [at] ipakita mo sa kanila kung bakit ikaw ang Reina Hispanoamericana ng Pinas!”