Showbiz News

Wyn Marquez, bakit 'di nakasali sa Boulevard Carnaval sa Bolivia?

By Jansen Ramos

Hindi natuloy ang pagrampa ni Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen Marquez sa Boulevard Carnaval na ginanap sa Santa Cruz dela Sierra, Bolivia noong January 15. Siya pa naman ang kauna-unahang Filipina na naimbitahan sa engrandeng selebrasyon.

Ipinaliwanag niya sa kanyang Instagram post kung bakit hindi siya nakasali rito. Dahil sa lagay ng panahon, napagdesisyunan niya at ng organizer ng event na mas mabuting bumalik na siya ng Pilipinas para maiwasan ang problema sa kanyang flight. Bukod pa rito, may mga commitment din siya sa bansa na kailangang habulin.


Saad niya, “Due to the bad weather yesterday, the Boulevard Carnaval was moved today pero hindi na po ako makakasali dahil naka-schedule ang 3 connecting flights ko ngayon na umaabot ng 3 days ang biyahe and mahirap na i-rebook dahil sa oras kaya kinakailangan na makauwi today plus meron din hinahabol na work sa Pilipinas. Kaya nag-decide din kami ng RHA na umuwi na din ako para makasiguro ako sa flight. Isa ‘to sa mga susuotin ko for the show and may 3 pang napakagaganda na damit ng Carnaval, pero hindi ko na maipapakita. It’s sad but nagpapasalamat pa din ako sa week na ‘to kahit ang daming nangyari, may purpose din bakit nangyari ‘to ‘di ba? See you soon Manila.”

Sa kabila ng nangyari, nanatiling positibo pa rin si Wyn at proud pang ibinahagi ang kanyang outfit para sa event.