Showbiz News

WATCH: Mga kaanak ng yumaong si Isabel Granada, nakauwi na ng bansa

By Jansen Ramos

Dumating na sa bansa mula Doha, Qatar ang mga kaanak ng yumaong aktres na si Isabel Granada kagabi. 

Kasabay ng ina nito na si Mommy Guapa ang dating asawa ng aktres na si Jericho Aguas at kanilang anak na si Hubert.  

Ani ni Jericho, "Kami po'ng mga kaibigan ni Isabel ang mag-aayos po ng mga kailangang ayusin para sa funeral ni Isabel."

Nagbigay naman ng mensahe ang kanyang anak na si Hubert para sa kanyang ina, at nagpasalamat din para sa mga nagdarasal dito. Aniya, "Salamat sa lahat ng nagdarasal. Ma, salamat sa mga ginawa mo bilang isang ina, at mahal na mahal ka naming lahat."

Sa Huwebes nakatakdang makabalik ng bansa ang mga labi ni Isabel.

Nagbigay naman ng detalye ng burol ang mga kaibigan sa industriya ni Isabel na sina Bianca Lapus at Chuckie Dreyfus. Ilalagak ang kanyang mga labi sa Santuario de San Jose Parish sa Greenhills, Mandaluyong City simula Huwebes, November 9. 

Panuorin ang buong report ni Susan Enriquez sa Unang Balita:

 

Video from GMA News