Showbiz News

Marc Pingris, biktima ng Facebook fake account

By Jansen Ramos

May fake account sa Facebook ang basketbolistang si Marc Pingris.

Base sa kanyang Instagram post, ginagamit ng poser ang kanyang pangalan para makabenta ito ng sapatos.  Nagpalit pa umano ng profile picture at cover photo sa Facebook ang poser gamit ang larawan ni Marc at ng kanyang pamilya. Iginiit ni Marc na wala siyang Facebook account at Instagram lang ang meron siya.

 

Dagdag pa ng basketbolista, wala siyang kakilalang Marcuz Sebastian de Mesa at Richards Umali.

Binalaan naman ni Marc na mahiya ang mga taong nasa likod nito dahil maraming na itong naloloko.