Showbiz News

WATCH: Kapuso celebs, sizzling hot na rumampa sa underwear fashion show

By Bea Rodriguez

Sinalubong ng malakas na hiyawan ang ating Kapuso celebrities na nagpainit ng entablado ng Bench Under the Stars underwear fashion show na ginanap noong Sabado (November 18) sa Mall of Asia Arena.

LOOK: Kapuso stars heat up "Under The Stars" fashion show

Sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ang unang nagpakilig sa mga manonood. Nagpamalas din ng kaseksihan ang hot at engaged couple na sina Pancho Magno at Max Collins bago ang kanilang kasal sa Disyembre.
 
Saad ng sexy bride-to-be sa Unang Hirit, "Nakakatuwa lang na we got to do this before our wedding. It was really fun, and I wouldn’t want to be partnered with anyone but him (Pancho)."
 
First-timer naman si Ken Chan na rumampa kung saan nakasabay niya si Ash Ortega. "Nakakakaba kasi first time [ko] tapos ang daming tao. First time kong maglakad at magpa-picture sa mga taong naka-boxers,” paliwanag niya.
 
Kahit ilang beses nang rumampa nang seksi si Derrick Monasterio, first time time naman niyang rumampa para sa local clothing apparel. "It feels good kasi this is my first time. May kaba lagi always kapag rampa pero mas masaya kasi ‘yung mga friends mo ang kasama mo,” anang Kapuso star.
 
Confident namang nag-aerial performance si Solenn Heussaff at nag-beauty queen walk si Reina Hispanoamericana 2017 Wyn Marquez. Hiniyawan naman ang grand entrance ni Phenomenal Star Maine Mendoza na isang pin-up girl ang look.
 
Nagpasabog naman ng stage sina Tom Rodriguez, Rocco Nacino, Kim Domingo, Sanya Lopez, Bruno Gabriel, Andrea Torres at ang mga panghuling rumampa na sina Lovi Poe at World’s Best Math Teacher na si Pietro Boselli.