Showbiz News

WATCH: Dabarkads, suportado ang bagong 'Trip Ubusan' movie ng mga 'Eat Bulaga' lolas

By Gia Allana Soriano

Dumalo sina Maine Mendoza, Vic Sotto, Baeby Baste, at iba pang Dabarkads sa premiere night ng Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies. Ani Vic Sotto, "Siyempre naman, Dabarkads, eh. And ako ay naniniwala na they have a very entertaining movie for the whole family."

Dagdag naman ni Maine, "Natutuwa ako na magkakasama sila. Support lang kami dito kasi sa kanila naman, sila muna ang star dito."

Very supportive naman daw talaga ang Eat Bulaga family nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Ika ni Jose, "Ang Dabarkads naman, alam mo 'yan sila, kahit 'di mo sila sabihan, kahit hindi maimbitahan, siguradong makikita mo sila rito para sumuporta sa mga Dabarkads na kasama nila. Ganun sa Eat Bulaga."

Paliwanag naman ni Paolo, "Automatic na 'yun. Kapag may magandang nangyayari sa ibang Dabarkads, 'yung buong Dabarkads siyempre support."

Lubos din ang pasasalamat ng tatlo sa kanilang mga ka-Dabarkads. Ika ni Wally, "Kay Bossing, kay Maine, sa iba pang Dabarkads, maraming maraming salamat. Lalo kay Bossing. Bossing, maraming maraming salamat sa tiwala n'yo sa aming tatlo. Marvic, mahal kita."

Panoorin ang full report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News