Showbiz News

Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at 'Wowowin,' ilan sa pinarangalan sa 7th OFW Gawad Parangal

Wagi na naman ang ilang Kapuso stars at shows sa 7th OFW Gawad Parangal!

Hinirang na Best Actress si Sunshine Dizon para sa kanyang pagganap bilang Emma sa highest-rating daytime soap na Ika-6 Na Utos. Siyempre, si Gabby Concepcion naman ang pinarangalan na Best Actor habang si Ryza Cenon naman ang Best Supporting Actress para sa soap. 

Pinarangalan din bilang Best Actress si Kris Bernal para sa kanyang dual role sa Impostora. 

Nabingwit naman nina Sanya Lopez at Rocco Nacino ang Most Popular Love Team award. 

Hinirang na best game show ang Wowowin, habang si Willie Revillame naman ang napili bilang Best Game Show Host.

Samantala, pinarangalan din bilang Best Comedian si Super Tekla. 

Napili naman ang GMA News reporter na si Marisol Abdurahman bilang Best Field Reporter. 

Ang OFW Gawad Parangal ay taunang awards na ibinibigay ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. o KAKAMMPI sa mga grupo at organisasyon na nakapagbigaybigay ng tulong sa OFWs. 

Ginanap ang awards night ng 7th OFW Gawad Parangal ngayong December 8, 2017 sa Patio de Manila.