Showbiz News

FIND OUT: Sinong Kapuso star ang gustong makatrabaho ni Carmina Villarroel?

By Gia Allana Soriano

 

Marami nang nakatrabahong mga aktres si Carmina Villarroel. Recently ay nakasama niya si Marian Rivera sa Super Ma'am, at ngayon naman ay makakasama niya sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali para sa upcoming GMA drama na Kambal, Karibal.

May mga gusto pa bang makatrabaho ang isang Carmina Villarroel, lalo na sa mga batang aktor at aktres sa GMA?

Paliwanag niya, "'Yun ang kailangan ko pa malaman, kasi ito ngang sina [Miguel Tanfelix at Bianca Umali] may love team na pala ito. Siyempre, ang memory ko sa kanila [ay] bagets pa 'di ba? Siyempre marami pa. Gusto ko pa makilala silang lahat."

 

Dagdag pa niya, "Siguro si Barbie [Forteza] kasi nakita ko siya sa Sunday PinaSaya nung nag-guest ako. Mukha namang mabait 'yung bata. Nagpakilala. Siguro 'yan, 'yung bagets ngayon."

Abangan si Carmina Villarroel kasama sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa upcoming GMA Drama na Kambal, Karibal.