Showbiz News

WATCH: Aiai delas Alas, hindi naii-stress para sa nalalapit na kasal?

By Cherry Sun

Wala pa ring hinto sa pagtatrabaho si Aiai delas Alas kahit dalawang linggo na lamang at ikakasal na sila ni Gerald Sibayan.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, nagsimula nang mag-taping ang Comedy Queen para sa isang bagong Kapuso primetime series.

Sambit ni Aiai, “I’m happy. Again kasama ko ulit ‘yung dalawa kong anak, si Ruru (Madrid) and si Gabbi (Garcia), at meron kaming kasamang baby namin, si Serina dito so ‘yun nag-e-enjoy ako kasi dog lover ako eh.

Paliwanag din ni Aiai, kaya pa rin niyang magtrabaho dahil hindi siya nakakaranas ng stress at sagot ng kanilang wedding coordinator ang paghahanda para sa kasal. 

Habang papalapit din ang kanilang kasal, patuloy ang pagiging sweet ng engaged couple. Sa katunayan, sinorpresa pa siya ni Gerald.

Kuwento ni Aiai, “Meron pero ire-reveal ko na lang sa ano, sa wedding day. Basta maganda siya.”

“Hindi ko naman inaasahan ‘yung mga ganun from him kasi syempre compared naman sa kinikita ko sa kinikita niya, kumbaga sabi ko nga, ‘No need.’ Pero sabi niya, ini-insist niya, ‘Kailangan kasi gusto ko masaya ‘yung asawa ko,’” patuloy niya.