Showbiz News

READ: Bakit tinawag ni Joey de Leon na makulit si Lolit Solis?

By Cherry Sun

Ikinuwento ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang kanyang pangungulit kay Joey de Leon na halos ikagalit daw ng Eat Bulaga host.

Ani Lolit, may nagpapatanong sa kanya kung mayroon na bang modelo ng isang mamahaling smart phone si Joey dahil ireregalo raw sana iyon sa dabarkad. Tinawagan daw ni Lolit ng 20 beses si Joey ngunit hindi raw ito sumasagot.

Nang sagutin ni Joey ang kanyang tawag, pabulong na sabi nito, “Bakit ba ang kulit mo? Nasa misa ako dahil Immaculate Conception, bakit ba?”

Nahiya raw si Lolit sa kanyang ginawa. Dito rin daw niya napatunayan na napakarelihiyoso ng kanyang dating Startalk co-host.

“Kaya tignan niyo suwerte niya, umaapaw at isa pa rin bagay, nandiyan si Eileen ang wife niya na kaakbay niya sa life journey niya. Ay naku, Joey, excited lang ako ‘no kaya ginulo kita,” paliwanag ni Lolit.