Showbiz News

LOOK: 'Startalk' hosts, muling nagkita sa burol ng ina ni Joey de Leon

By Cherry Sun

Isang bittersweet Startalk reunion ang naganap sa burol ng ina ni Joey de Leon nang makiramay sina Lolit Solis at Ricky Lo.

Joey de Leon & Lolit Solis

LOOK: Joey De Leon posts throwback photo with his Mama Emma

“Parang na-miss ko ang grupo ng Startalk nang magkita kita kami nila Ricky Lo at Joey de Leon sa wake ng mother ni Joey na si Mommy Emma, Salve,” kuwento ni Lolit sa kanyang Instagram post.

Aniya, pansin niya ang pagiging maasikaso ng maybahay ni Joey na si Eileen at ang pagiging relihoyoso ng kanyang dating co-host sa Startalk.

Sambit ni Lolit, “Si Joey hindi alam ng tao napaka-religious na tao, Marian devotee at every Sunday ay nagsisimba.

“Sumasama siya sa pilgrimage at talagang siya ang nagturo sa akin na kung wala akong makitang Catholic church pag nasa abroad ako, kahit anong simbahan pasok ako at magdasal dahil house of God pa rin iyon.

“Palabiro lang si Joey pero madasalin. Sabi nga ni Julie Yap Daza, kaya inabot ng old age si Mommy Emma dahil her son Joey always make her laugh. True.

“I really missed my Startalk family that time, hah hah, sure ako na-miss din nila ako hah hah,” patuloy niya.


Ang Startalk ay dating Saturday showbiz talk show sa GMA, na umeere sa mula 1995 hanggang 2015.

Isa sa mga orihinal na hosts nito si Lolit Solis, habang si Joey naman ay naging bahagi ng programa noong 2005.