Showbiz News

WATCH: Janine Gutierrez, gumawa ng volunteer work para sa WWF

By Marah Ruiz

Isa si Kapuso actress Janine Gutierrez sa mga youth ambassadors ng international NGO na World Wide Fund for Nature.

Kaya naman naglaan siya ng oras para subukang kumbinishin ang iba pang tao na suportahan ang kanyang advocacy. 

"Masaya pero mahirap din palang mag-convince ng mga tao in a short span of time na i-support niyo naman 'yung cause namin para sa enivornment, para sa mga famrers, sa mangingisda," paglalarawan niya sa kanyang experience. 

Busy na ngayon si Janine sa pagte-tape ng kanyang upcoming na serye kung saan makakasama niya sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia at ang trained dog na si Serena. 

Bukod sa mga ito, hanga din siya sa mga beteranong mga artistang makakasama nila sa series.

"First time ko pong makatrabaho sina Ms. Aiai [delas Alas], si Sir Roi Vinzon so sobrang gaan lang ng pakiramadam," bahagi niya. 

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras: