Showbiz News

LOOK: Lyn Ching meets Hugh Jackman for the second time

By Jansen Ramos

Bukod kina Zac Efron at Zendaya, nakapanayam din ng Unang Hirit host na si Lyn Ching ang Hollywood actor na si Hugh Jackman.

LOOK: Lyn Ching meets Hollywood stars Zac Efron and Zendaya


“Who doesn't love @thehughjackman? What a lovely man he is”

Si Jackman ang bibida sa musical film na The Greatest Showman na ipapalabas na sa mga sinehan sa January 31, 2018.

Gagampanan niya ang karakter ni Phineas Taylor Barnum, ang American showman na bumuo sa Ringling Bros. and Barnum & Bailey Circus o mas kilala bilang ‘The Greatest Show on Earth.’

Ito na ang ikalawang beses na nakapanayam ni Lyn Ching ang aktor. Una na niya itong nakapanayam para sa pelikulang Logan.

WATCH: 'Unang Hirit' host Lyn Ching, kinilig nang makabeso si Hugh Jackman!

Abangan ang exclusive interview ni Lyn Ching kay Hugh Jackman sa Unang Hirit.