Showbiz News

WATCH: Big blessing ang sumalubong kay Alden Richards sa unang linggo ng 2018

By Aedrianne Acar

Bagong tunog ang mapapakinggan kay Alden Richards sa susunod niyang album under GMA Records.

EXCLUSIVE: Alden Richards plans to co-produce a concert with GMA Records

Kahapon, January 5 pumirma ng two-year contract ang Kapuso prized talent sa GMA Records at ngayong unang linggo pa lang ng 2018 ay todo na ang paghahanda sa pasabog na album na ito ng Pambansang Bae.

Ano kaya ang kaibahan nito sa mga past albums niya?

Tugon ni Alden nang makapanayam siya sa Chika Minute, “Ito love songs pero medyo modern eh. Kung ano ‘yung napapanahon ngayon ‘yung mga parang slow pop na ganiyan, dance-able pang long drives, ganun ‘yung dating niya kasi sa akin nung pinapakinggan ko siya eh.”

Dapat din daw abangan ng mga fans niya ang special song na dedicated for them.

“And then may isang parang song na dedicated sa fans siyempre, para sa kanila. Abangan nila, excited ako dun kasi it’s very heartwarming.”

Ayon naman kay GMA Records Managing Director Rene Salta, plano rin nila maglabas ng limited edition CD ng Pambansang Bae.

“Ilalabas natin is limited edition CD, dahil wala nang masyadong physical stores.”

Video courtesy of GMA News