Showbiz News

Paolo Contis, muling nagkaroon ng direksyon ang buhay nang makilala si LJ Reyes

By Maine Aquino

Sa Tonight with Arnold Clavio, ibinahagi ni Paolo Contis ang naging epekto sa kanya ni LJ Reyes.

Sa isang game ay inilahad ni Paolo na dahil kay LJ ay nagkaroon ng direksyon ang kanyang buhay. Saad niya, "Mula nang makilala kita, nagkadireksyon ulit 'yung buhay ko."

Kuwento rin ni Paolo ang pagkakataon na siya ay walang direksyon sa buhay at si LJ ang naging kanyang gabay.

"Nagkaroon nga ng time sa Yagit na.. dumating ako wasted. Wasted ako nun. Siya 'yung nakakuwentuhan ko. So she knows where I came from and mula nung makilala ko siya hindi lang nagkadireksyon, ginusto kong magkadireksyon ang buhay ko."

Nagbigay rin ang Kapuso actor/comedian ng kanyang mensahe para kay LJ. 

"Mahal, I want you to know I am always here for you. Always."

Dagdag pa niya, "I'm not perfect, trying my best to be near perfect for you. It's a work in process but I'm doing my best to be na maging kailangan ninyo ni Aki. Mahal ko kayo."