Showbiz News

WATCH: Joyce Pring, umaming crush si Dennis Trillo

By Bianca Geli

Sa isang episode ng Tunay na Buhay kung saan ibinahagi ng Kapuso star at radio DJ na si Joyce Pring ang bakasyon niya sa Batangas, nagkuwento siya tungkol sa kanyang dream role kung sakaling magkaroon siya ng pagkakataong sumabak sa acting.

Ano kaya ang role na gusto ni Joyce? Aniya, “Maging leading man yung crush ko, siyempre.”

Nang tanungin ng host na si Rhea Santos kung sino ba ang crush niya, nahiya pa si Joyce ngunit umamin din, “Si Dennis Trillo.”

Kapag siya ang leading man, aminado si Joyce na papayag siyang mag-acting.

Panoorin ang iba pang mga sagot ng bagong Kapuso na si Joyce Pring sa Tunay na Buhay.

Joyce Pring, handa na bang sumabak sa acting?