Showbiz News

Marian Rivera bilib kay Barbie Forteza

By Bianca Geli

Sa naganap na GMA contract signing ni Marian Rivera kahapon, natanong ang Primetime Queen kung sino sa young stars ngayon ang bilib siya sa pag-arte at gusto niya makatrabaho.

Sagot ni Marian, “Actually ang nakikitaan ko talaga na sinasabi ko ‘pag magkasama kaming dalawa, si Barbie talaga. Kasi very transparent din 'yung bata, mahal din niya 'yung trabaho niya, mahal niya ‘yung pamilya niya. At saka ang trabaho sa kanya, trabaho talaga.”

Wish ni Barbie Forteza na maging sirena, natupad sa 'Super Ma'am'

Nabanggit din ni Barbie sa mga nakaraang interview na matagal na siyang fan ni Marian Rivera at gusto niyang makatrabaho ulit ito.

Marian Rivera renews contract with GMA