Showbiz News

Alice Dixson, Ina Raymundo at Sunshine Cruz, inalala ang lowest point ng kanilang buhay

By Maine Aquino

Sa isang bihirang pagkakataon ay sabay sabay na ibinahagi nina Alice Dixson, Ina Raymundo at Sunshine Cruz ang kanilang lowest point ng kanilang personal na buhay. Ito ay kanilang ikinuwento sa launch ng Century Tuna Superbods Ageless 2018 nitong February 7, sa EDSA Shangri-la. 

 

 

Unang naglahad ng kanyang kuwento si Ina. Ayon sa aktres ay mahirap maging mommy lalo na kung limang bata ang inaalagaan. Sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, Minka ang limang anak ni Ina at ng kanyang Canadian-Ukranian businessman husband na si Brian Poturnak. 

 

Ina Raymundo, hot momma of five

Aniya, "I have five kids 'di ba? So it's very very tough to discipline five kids and I have two teenagers na, and my eldest daughter is a handful... I wouldn't say lowest pero tough. Pero siyempre, because of exercise, seriously, kung hindi ako nagwo-work out, I'd be crazy."

Weight problem naman ang problemang pinagdaanan noon ni Alice. Kuwento niya sa miyembro ng press, "I had weight problems, I did, I was at least 15 pounds heavier. We don't have perfect lives, nobody has a perfect life. We just do the best with what we can, when we can, right?"

Alice Dixson reveals why she's not following fad diets

Huling sumagot si Sunshine para ilahad ang kanyang pinagdaanan sa panahon na nagkaroon sila ng rocky relationship ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano. Paglilinaw ni Sunshine ay hindi perfect ang buhay ng mga artista, "People think that we have perfect lives pero 'yun nga like what I've said everybody knows my lowest point. Parang si Ms. Alice din, ako naman I had problems sa weight, I was 15 pounds lighter. Kasi I couldn't eat, I couldn't sleep, walang peace of mind eh."

Sunshine Cruz is #ForeverYoung at 40!

Inilahad naman ni Sunshine ang good part of her story na naramdaman niyang okay na ang kanyang estado ng puso simula 2013. "Since 2013 I could proudly say that I've never been better."