Showbiz News

LOOK: Maine Mendoza, nag-post ng funny tweet tungkol sa swerte

Nitong February 10 ay naging magkagrupo sina Maine Mendoza at Alden Richards sa larong ACTually ng Eat Bulaga. 

Maraming fans ang natuwa na parehong naging parte ng yellow team sina Maine at Alden. Ngunit ang higit na pumatok sa netizens ay ang isang parte ng game kung saan nabitin ang kanilang tuwa.

Ayon sa post ni @mikhan11, "Dba sa bote nagpofocus dapat? Hahhahahahaha lumabas kaya"

 

Ni-retweet naman ito ni Maine kasama ang kanyang nakakatawang comment dahil hindi niya nai-shoot ang hula hoop. Aniya, "Yung mga pagkakataong akala mo swerte ka...... Akala mo lang pala."