Showbiz News

Joyce Ching will represent the Chinese community this 2018

By Maine Aquino

Ngayong darating na Year of the Dog ay magiging representative si Joyce Ching ng Chinese community.

Si Joyce ay ang ambassador ng Lucky Chinatown ngayong Chinese New Year kaya naman inilahad niya ang kanyang pakiramdam para i-represent ang kanyang community.

Kuwento ni Joyce, "Masaya at honored kasi siyempre ako 'yung face ng Lucky Chinatown ngayong Chinese New Year. Hindi lang siya parang Joyce Ching as artista kasi pati 'yung sa Chinese community, I will represent din."

 

Bilang Filipino Chinese ay ibinahagi niya ang ilang tradisyon na kanilang pina-practice kapag sumasalubong ng bagong taon.

Ani ni Joyce, "Kumakain kaming buong family tapos may tikoy. Kailangan ng tikoy para close ang family, para 'yung bond sobrang madikit na madikit. Of course, pancit for long life and maraming round na fruits. Parang sa Filipinos din actually. It symbolizes wealth and good fortune." 

Bilang tradisyon ay nagsusuot ng pulang damit ang kanilang pamilya sa Chinese New Year.

"Naka-red lahat because it's festive," saad ng Kapuso star.