Showbiz News

Kapuso stars, nag-uwi ng parangal mula sa 34th PMPC Star Awards for Movies

Nakatanggap ng parangal ang ilang Kapuso stars sa katatapos lang ng na 34th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies.

Nakuha ni Ika-6 Na Utos star Odette Khan ang Movie Supporting Actress of the Year para sa kanyang pagganap sa law school comedy-drama na Bar Boys.

Hinirang naman na Movie Original Theme Song of the Year ang “Natapos Tayo,” awit at kumpusisyon ni The One That Got Away star Nar Cabico at in-arrange ni Mic Llave. 

Ito an official theme song ng Metro Manila Film Festival 2018 Entry na All Of You na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsey. 

Pinarangalan naman ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ang beteranang aktres at direktor na si Ms. Gina Alajar

Ginanap ang 34th PMPC Star Awards for Movies sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila. 

Taun-taon itong parangal ng Philippine Movie Press Club para bigyang pansin ang ang iba't ibang aspeto at mga personalidad sa larangan ng pelikula.