Showbiz News

WATCH: Rocco Nacino, may ibinunyag tungkol sa kanyang babaeng naka-date noon

By Bea Rodriguez

Nabuking si Kapuso hunk Rocco Nacino sa Kapuso ArtisTambayan tungkol sa babaeng naka-date niya noon.

Inamin ng aktor na may mga bagay siyang ginawa na hindi niya gusto para lang maka-pogi points. May pinuntahan daw silang lugar na hindi niya gusto para ma-impress ang girl.

“Torture iyon! Triny ko naman. Oh sige, sige pero wala talaga eh. Hindi ko na siya kinita ulit,” patawang ibinunyag ni Rocco sa kanyang Kapwa Kapuso stars na sina Mike Tan at Dion Ignacio.

Never pa raw iyon nagawa nina Mike at Dion ngunit ani Mike, "Pero, ‘di ba minsan kapag gustong-gusto mo ang girl, parang kahit saan kayo pumunta, okay lang?”

May iba pang revelations ang Kapuso hunks. May pinaiyak bang babae sina Rocco, Mike at Dion? Panoorin sa video na ito: