Showbiz News

WATCH: Sinon Loresca, inisip na lalaki si Aiai Delas Alas?

By Bea Rodriguez

Sumabak sa “Titigan Challenge” ng Unang Hirit ang first-time co-stars na sina Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas at King of Catwalk na si Sinon Loresca.

Ito ang unang beses na magkatrabaho ang Kapuso stars at bukod sa kanilang mother and son tandem sa Magpakailanman ay hinamon din ng morning show ang dalawa sa isang challenge.

Dalawang beses natalo ni Sinon ang Comedy Queen sa titigan, “Iniisip ko na si Miss Aiai ay lalaki. Naaakit ako para hindi ako pumikit.”

Nakakaloka raw ang King of Catwalk, ayon sa komedyante na nasilaw at pumikit.

Malaki ang pasasalamat ng aktor na makatrabaho niya ang Comedy Queen na dati ay napapanood niya lamang sa telebisyon. Si Aiai naman ay natuwa sa achievement ng King of Catwalk na dati ay napapanood lang sa Internet at ngayon ay artista na.

Panoorin ang madamdaming pagganap ng dalawang Kapuso stars sa Magpakailanman.