Showbiz News

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, ikinuwento ang unang pagkikita nila ng kanyang fan na si Pauleen Luna

By Jansen Ramos

Lubos ang paghanga ng Eat Bulaga Dabarkad na si Pauleen Luna kay Kyline Alcantara dahil sa kanyang epektibong pagganap sa Kambal, Karibal.

Ikinuwento ni Kyline sa isang eksklusibong panayam ang kanilang unang pagkikita ni Pauleen sa taping ng Lenten presentation ng Eat Bulaga.

LOOK: Pauleen Luna, balik-acting para sa lenten presentation ng 'Eat Bulaga'

"Pagkadating na pagkadating ko po sa set, sobrang na-overwhelm po ako sa pag-welcome nila sa akin lalo na po ni Ms. Pauleen Sotto. Nakahiga s'ya tapos napatayo s'ya tapos sabi niya, "I'm a fan!" Sabi ko, "nanonood po pala ang isang Pauleen Sotto [ng Kambal, Karibal]," saad niya.

Dagdag pa niya, maski ang production staff ay panay puri sa kanya. "Sobrang nagulat po ako sa mga reaksiyon nila, pinupuri nila [ako] kung paano ako umarte and siyempre po 'yung mga production [staff] din," saad niya.

First time ni Kyline makatrabaho si Pauleen at ang iba pang Eat Bulaga Dabarkads tulad nina Ruby Rodriguez, Luane Dy, Sinon Loresca at Kenneth Medrano. Makakasama niya rin sa special episode si Kim Last na nakatrabaho na niya sa Sunday Pinasaya noong nag-guest siya roon.