Showbiz News

WATCH: Marian Rivera, Julie Anne San Jose at Jak Roberto, nagbigay ng tips para magka-beach body

By Bea Rodriguez

Paano na-achieve ng ating Kapuso stars ang kanilang fit at sexy body? Ibinahagi ng ating celebrities ang kanilang mga sikreto sa pagkakaroon ng beach body ngayong summer.

Una sa listahan ay walang iba kundi si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na tila ay may beach body for all seasons.

Nakakabighani ang kanyang ganda at nakakalaglag panga ang kanyang abs ngunit hindi ito ang rason kung bakit nagwo-workout ang reyna ng GMA.

“Actually, ang reason ko bakit ako nag-g-gym [ay] kasi gusto ko maging healthy. Ang anak ko kasi [ay] lumalaki na [at] ang likot-likot na so sabi ko, paano ko siya masasabayan? Kailangan ko talaga maging healthy,” kwento niya sa Unang Hirit.

Hindi rin madali para kay Yan-Yan ang kanyang diet, “Kung ano ‘yung bawal, hindi ko kakainin. Lahat naman [ay] mahirap. Nasa kumpiyansa mo na lang sa sarili mo at saka disiplina talaga.”

Mahilig naman mag-relax sa beach si Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, “Masaya-masaya kasi kahit papaano, I was able to invigorate, and loosen up a bit, and be away from the city for a while.”

Skin at body protection naman ang kanyang inaalagaan, “Sun blocking pinaka-importante, and just always hydrate yourself. Eat healthy, and iyon lang naman.”

Naging istrikto naman si Pambansang Abs Jak Roberto sa kanyang paghahanda bilang leading man ni Glaiza de Castro sa upcoming GMA Afternoon Prime soap, Contessa.

Aniya, “For this show, preparation ko is more on [my] physique. Kailangan kasi matigas at kailangan palaban para ‘pag tiningnan ka, ikaw talaga ‘yung tagapagtanggol.”

Ang sikreto ni Jak? “At least siguro two weeks na sunod-sunod na workout kung talagang gusto mo mahabol ang body goals mo, and extreme diet na iyan kapag nagmamadali ka talaga.