Showbiz News

WATCH: Ano ang motivation ni Marian Rivera sa pagkakaroon ng healthy lifestyle?

By Michelle Caligan

Kapansin-pansin sa Instagram posts ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang madalas nitong pagpunta sa Crossfit training kasama ang asawang si Dingdong Dantes.

WATCH: Dingdong Dantes at Marian Rivera, hindi lang #fitspirations, #relationshipgoals pa!

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres ang kanyang motivation sa pagpapanatili ng healthy lifestyle.

"Para sa akin, I love myself. Gagawin ko para sa sarili ko and then I'll extend it to my family, especially to Zia. Kasi kapag nakita ng anak ko na 'Wow, 'yung mama ko ganito. I want to be like you.'"

Dagdag pa niya, "Gusto ko maging fit not because gusto kong maging sexy. Gusto ko maging healthy kasi marami akong pangarap na maging anak. Wino-work out namin 'yan, pero sabi ko nga, siyempre kailangan namin ipagdasal."

Panoorin ang buong report: