Showbiz News

WATCH: Ex Battalion's reaction video to Michael V.'s parody of 'Hayaan Mo Sila'

By Michelle Caligan

Naging viral ang kanta ni Michael V. na "Gayahin Mo Sila," ang parody ng hit song ng Ex Battalion na "Hayaan Mo Sila." 

 

As of this writing ay may 3.5 million views na ito sa YouTube. Kaya naman maraming netizens ang nagtatanong kung ano ang reaction ng original singers nito, na may special appearance sa ending ng video.

READ: Michael V is a social media millionaire with "Gayahin Mo Sila" parody song

Sa kanyang latest vlog, isang reaction video ang in-upload ni Bitoy kung saan mapapanood ang members ng Ex Battalion na pinakikinggan for the first time ang "Gayahin Mo Sila." 

"Hindi ko pinatatamaan ang Ex Battalion. Actually, merong konti (laughs). Pero hindi ko sila dina-down, down, down doon sa kanta. It's more like an advice, parang payo ng isang kuya sa mga nakababatang kapatid. Tipong na-experience n'yo na magkaproblema, next time sana iwasan n'yo na," paliwanag niya sa umpisa ng video.

Panoorin ang buong video dito: