Showbiz News

Ilang local movies, tampok sa GMA ngayong Semana Santa

By Marah Ruiz

 

 

Mula comedy, drama at maging fantasy, iba't ibang mga pelikula ang handog ng GMA ngayong Semana Santa. 

Tunghayan sa March 29, 1:30 pm ang Tween Academy: Class of 2012 tampok ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Bea Binene, Jake Vargas, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Ken Chan at Alden Richards

Kuwento ito ng isang grupo ng mga teenagers at ang mga pagdadaanan nila bilang mga high school students. 

Abangan din ang ang You To Me Are Everything tampok ang Kapuso Primetime Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, 8:30 pm. 

Kuwento ito ni Iska, simpleng babaeng makakatanggap ng 'di inaasahang mana mula sa kanyang yumaong ama. Dahil dito, papasok sa buhay niya si Rafael, lalaking naghahanap ng paraan para maibalik ang dating yaman. 

Sa March 30 naman, huwag palampasin ang Of All The Things, 8:30 pm.

Ito ang pangatlong tambalan nina Asia's Songbird Regine Velasquez at Aga Muhlach. Tungkol ito sa isang law graduate at isang fixer na mahuhulog ang loob sa isa't isa kahit na parati silang parang aso't pusang kung mag-away. 

Si Enteng, Si Agimat at Si Ako naman ang dapat tunghayan sa March 31, 6:30pm.

Crossover ito ng dalawang Pinoy fantasy film series na Enteng Kabisote at Agimat. Tampok naman sina Bossing Vic Sotto, Bong Revilla Jr. at dramatic actress Judy Ann Santos sa 2012 Metro Manila Film Festival entry na ito.