Showbiz News

WATCH: Xian Gaza, laya na?

By Felix Ilaya

Earlier this week, pumutok ang balita na sumuko na sa mga pulis si Christian Albert Gaza o Xian Gaza dahil sa panloloko ng mga investors.

Muling nag-viral ang businessman nang lumabas ang mga pictures niyang masayang nakangiti sa loob ng bilangguan.


Sa isang Instagram post ay ipinaliwanag ni Xian kung bakit nakangiti siya sa mga photos na ito.

Aniya, "Whether you feel so down, hopeless and so depressed at durog na durog ka na deep inside. Always smile to inspire and spread the epidemic of positivity to everyone. Smiling inspite of a very miserable situation is not about faking happiness, it’s all about hope and faith that there’s a rainbow waiting after the storm."

"We all have our own battles in life at kung ano man yang pinagdadaanan mo ngayon... just stay put and go with the flow for everything will soon fall into its own rightful place in its own time at its own pace. Never lose hope and always keep the faith," dagdag pa niya.

Kamakailan lang ay nag-post muli sa social media si Xian nang update tungkol sa kaniyang sitwasyon. Ayon sa Facebook video sa kaniyang in-upload, sinabi niyang nakalaya na raw siya.

"Tumakas ako, charot! No, I didn't, joke lang. I bailed out, someone bailed out for me. Thank you po sa mga tumulong," wika ni Xian.

Panoorin ang video ni Xian below:

Tags:
xian gaza