Showbiz News

READ: Xian Gaza, ibinahagi kung paano nakalabas ng bilangguan

By Cherry Sun

Ikinuwento ng nag-viral na businessman at alleged scammer na si Xian Gaza kung paano siya nakalabas ng bilangguan matapos sumuko sa awtoridad dahil sa panloloko ng mga investors.

Ani Xian, naramdaman daw niya ang pagmamahal at himala mula sa Diyos sa pagdating ng isang babaeng dala ang kanyang pampiyansa.

“Three hours after my surrender last April 12, a God-sent stranger angel arrived at the police headquarters next to the city jail, bringing with her some cold cash for my bail bond and handed it over unconditionally to my super grateful parents. I literally met this lady stranger for the first time in my life that day while I’m handcuffed,” pahayag ni Xian.

“Asawa siya ng isang negosyanteng nakilala ko way back 2012 and our paths crossed again last year lang sa isang bar. You know what guys, ni wala kaming pinagsamahan ng tao na ‘to at literal na magkakilala lang kami sa pangalan. It’s crystal clear to me that this is God’s work and Divine providence,” patuloy niya.

Dahil sa ginawang pagtulong sa kanya ng hindi niya pinangalanang babae, buong buhay raw siyang magpapasalamat dito.

Wika niya, “Without this couple, I’m still locked up in jail hanggang ngayon. I owe them my liberty and I will forever be grateful for the rest of my life. Thank you so much Lord for continuously and unconditionally loving a sinner like me. All the Glory is Yours.”