Showbiz News

Derrick Monasterio, itinuturing na milestone sa karera ang mapabilang sa Mega Man Best Bodies

By Bea Rodriguez

Pinainit ni Kapuso star Derrick Monasterio ang stage sa kanyang pagrampa sa Mega Man Best Bodies sa The Island, Bonifacio Global City kagabi, April 19.


Kinilala siya bilang eligible bachelor at isa sa mga hottest male stars sa Philippine showbiz ngayong 2018, “Nakakatuwa kasi ang pinaghirapan mo, nagbunga and talagang binigyan kami nila ng ganitong title. There are a lot of beautiful bodies sa Philippine showbiz pero para mapabilang ka dito, nakakatuwa.”

Para kay Derrick, ang maging hunk ay “Not necessarily may abs. [Basta] comfortable ka sa katawan mo, [and] you can take off your shirt off anytime.”

Angat ang matipunong katawan at sexiness ng Kapuso leading man, “This is actually new kasi I started out in Tween Hearts eh, talagang bata and really thin before so para sa akin, itong title na ito [ay] isang level up na milestone sa career ko.”

Limang taon nang pinaghihirapan ni Derrick ang na-achieve na katawan, “Nag-start ako mag-gym when I was 17 years old. It was for Cosmo and noong natapos na, I decided to continue working out for personal purposes [like] health. If ever may photo shoot, at least, [I’m] ready.”

Ayon sa Inday Will Always Love You leading man, malakas siyang kumain pero iniiwasan ang mga pagkaing hindi masustansiya at nakakataba.

“I still take sweets. ‘Di ako nagra-rice, fast food, soda, alcohol [at] white bread. Puro whole grains [tapos umiinom ako ng] four glasses of water sa umaga para ang metabolism [ay] mabilis,” kuwento ng Kapuso hunk sa GMANetwork.com.

Nais ma-achieve ni Derrick ang lean at mala-"Calvin Klein" model body.