Showbiz News

EXCLUSIVE: Solenn Heussaff, looking forward makasama ang mga Kapuso sa Dubai

By Cherry Sun

Looking forward daw si Solenn Heussaff na makapiling ang ating mga kababayan na nasa Dubai sa pamamagitan ng Pinoy Fest Dubai na hatid ng GMA Pinoy TV.

Kasama ni Solenn sina Dennis Trillo, Migo Adecer at Tetay na maghahatid ng saya sa GMA Pinoy event na magaganap sa Sheikh Rashid Auditorium ngayong May 3.

Anang aktres sa exclusive interview ng GMANetwork.com, masaya siyang maging bahagi ng ganitong events dahil mahilig siya mag-travel. Maliban dito, may isa pang dahilan kung bakit nae-enjoy niya ang ganitong klase ng trabaho.

Paliwanag ni Solenn, “It’s fun to be able to see our Pinoys abroad and bring them joy kahit saglit lang.”