Showbiz News

Balik-showbiz na, balik-alindog pa si Kylie Padilla

By Gia Allana Soriano

May upcoming showbiz comeback na ang aktres na si Kylie Padilla at todo prepare naman ang aktres para sa kanyang mga magiging guesting after ng kanyang mahigit isang taong break. 


Aniya, "Excited ako sa mga project na darating. Before it's just work, ganyan. Ngayon, talagang, you know, paghahandaan ko kahit mga guestings na ganito. I need to prepare for it."

Nami-miss naman kaya niya si Baby Alas ngayong back to work na siya? Ika niya, "Kahit nasa kabilang kuwarto lang siya, nami-miss ko siya. Kahit nasa bahay lang kami, pupuntahan ko lang siya, tapos titingnan ko lang siya. Okay siya."


Paano naman niya na-achieve ang kanyang sexy body in a short time? Aniya, "Every time may free time, nagja-jog ako. 'Yun lang. Tinanggal ko na 'yung carbs. 'Tsaka ano, eh, nung buntis ako, lahat ng gusto ko kainin, I will eat it. Tapos ngayon, balik na sa dati na controlled na 'yung pagkain."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News