Showbiz News

READ: Lovi Poe, willing ma-Lavinia Arguelles ni Cherie Gil?

By Felix Ilaya

Habang nasa art exhibit ng celebrity photographer na si Mark Nicdao at French painter na si Henri Lamy na pinamagatang "Lost Transportation," natunghayan ni Lovi Poe ang portrait ng veteran actress na si Cherie Gil.

 

Sa sobrang paghanga ni Lovi sa aktres, willing daw siyang magpa-Lavinia Arguelles dito.

Aniya, "If she’d ever want to throw a drink in my face. I’d let her."

Patok ngayon sa social media ang Instagram account na @the_real_lavinia_arguelles kung saan may mission si Cherie na magawa ang kaniyang iconic kontrabida scene sa 100 na tao. Makakabilang kaya si Lovi sa listahan na ito?