Showbiz News

LOOK: Rosemarie Gil re-creates iconic 'copycat' scene with daughter Cherie Gil

By Jansen Ramos

Tila nabaligtad ang mundo nang si Cherie Gil mismo ang nabiktima ng kanyang iconic scene mula sa 1985 Emmanuel H. Borlaza film na Bituing Walang Ningning.

Cherie Gil, pangarap masabuyan ng tubig si Nora Aunor

Sa Instagram account ng aktres na dedicated sa re-enactment videos ng kanyang 'copycat' scene, mapapanood ang pagganap ng kanyang ina at beteranang aktres na si Rosemarie Gil bilang Lavinia Arguelles.

Ayon pa sa caption, ang kanyang ina lamang daw ang maaaring makapagsaboy ng tubig sa kanya.

Ang eksena, kinompronta ni Cherie si Rosemarie dahil sa ratings ng primetime series na Onanay laban sa rival show nito sa kabilang istasyon kung saan kabilang ang kanyang ina.

Ayon sa mga netizens, ito raw ang pinakapaborito nilang 'copycat' scene remake dahil sa pagsasama ng mga beteranang kontrabida.