Showbiz News

WATCH: Kylie Padilla, muntik nang maloko ng isang Robin Padilla impersonator

By Marah Ruiz

Nag-open up si Kapuso actress Kylie Padilla tungkol sa relasyon nila ng kanyang amang si Robin Padilla sa kanyang interview sa programang Tonight With Arnold Clavio

Naikuwento  niya ang unang beses na pagkikita nina Robin at ng kanyang apong is Alas.

Laking gulat naman ng aktres nang sabihin ng host na si Arnold Clavio na may surprise guest daw ito para sa kanya.

Balikat at ulo pa lang ang nasilip ni Kylie mula sa guest, naging emosyonal na kaagad ito. 

Pero nang lumabas na ito, bistado siya kaagad. Hindi pala ang kanyang ama ang guest kundi isang impersonator!

"In fairness ah. Natuwa ako sa kanya. Gayang-gaya niya!" natatawang pahayag ni Kylie tungkol sa Robin Padilla impersonator na si Diego Salvador. 

"Iiyak na 'ko dito eh. Akala ko si Papa talaga," dagdag pa nito.

Nagbigay naman siya ng mensahe para sa kanyang ama.

"Thank you, dahil tinaggap niya 'yung family ko. 'Yun lang!" matipid niyang pahayag.

Panoorin ang prank ni Arnold kay Kylie:

Video courtesy of GMA Public Affairs