Showbiz News

Thea Tolentino, ikinuwento ang kalagayan matapos ang breast surgery

By Gia Allana Soriano

 

Last May 23, 2018, inoperahan si Thea Tolentino dahil sa kanyang bukol sa dibdib. Kuwento niya sa isang interview sa Tunay Na Buhay, "Sa ultrasound kasi nakalagay, limang solid, 'yung laman lang talaga. And isang cyst, 'yung may water yata 'yun."

Sa operasyon daw ay hiniling niya na 'wag siyang patulugin. Kuwento niya, "Nung May 23, gising ako nun, ayoko ma-bore. Sabi ko sa doctor, "puwede ko po ba panoorin?" So, pinanood ko siya. So, the whole operation naka-ganun lang ako, [nanonood]." Dagdag pa niya, "And may anesthesia naman, so wala akong nararamdaman. Except nung tinatahi na."

 

Aniya, sa mga ganitong pagsubok ay "chill lang" si Thea. Kuwento niya, "Chill lang ako. Kinakalma ko lang 'yung sarili ko. Actually nung operation nga po, 'yung nanay ko 'yung kinakabahan."

Kuwento naman niya na hindi cancerous ang mga bukol niya sa dibdib, at doble ingat na ngayon ang aktres. Aniya, "Ang in-advise po sa akin nung una akong tinanggalan is bawasan ko talaga 'yung processed foods. And 'pag matutulog, 'yung phones natin 'wag malapit sa katawan natin. Nakaka-cause rin siya, 'yung radiation"

Kumusta na kaya si Thea ngayon? Ika niya, "Okay naman po, hinihintay ko na lang siya na mag-heal."