Showbiz News

Thea Tolentino on video scandal: '101% akong sure na hindi ako 'yun'

By Gia Allana Soriano

Sa isang exclusive interview ni Thea Tolentino with Nelson Canlas para sa 24 Oras, mariing itinanggi ng aktres na siya ang babaeng nasa kumakalat na video scandal. Aminado si Thea na may hawig siya rito, ngunit siya raw ay 101% sure na hindi siya ang babaeng napanood ng mga netizens sa video na ito.


Aniya, "101% akong sure na hindi ako 'yun. Ang ayoko lang talaga 'yung nabubulabog 'yung friends and family ko."

Ang mahirap para kay Thea ay nag-assume agad ang mga tao na siya ang nasa video at sumabay pa ito sa personal na problema niya.

Ngayong 2018 lang ay naoperahan si Thea dahil sa cysts ng aktres sa kanyang dibdib. Kuwento niya, "Nakakainis kasi hindi nila alam 'yung pinagdadaanan ko, pinagdadaanan ng ibang tao, tapos dadagdag pa sila sa stress. And that's really unfair."

Mas nilalawakan na lang ng aktres ang kanyang pang-unawa. Ika niya, "I'm just happy that, this month, I started to know more about God. And actually God helped me to be more patient. More understanding with other people."

Panoorin ng ang buong report sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News