Showbiz News

WATCH: Glaiza de Castro at Gabby Eigenmann, nagkakapisikalan na

By Maine Aquino

Dahil painit na ng painit ang mga eksena sa Contessa, nagiging mainit na rin ang mga laban sa pagitan nina Glaiza de Castro at Gabby Eigenmann.

Bumisita si Lhar Santiago sa taping ng Contessa para makausap ang dalawa tungkol sa kanilang mga ginagawang stunts.  Ayon kay Gabby, mas matindi ang mga magaganap dahil sa alam na ang sikreto ng kanyang karakter na si Vito. Aniya, "Ngayong lantad na that Vito's character is gay, abangan niyo 'yung susunod. We'll surprise everyone." 

Dagdag naman ni Glaiza, "First time 'to na magtagpo sila; mag-away sila ng ganito katindi. Itong scene na 'to sobrang pisikalan eh. Medyo marami siyang details. Mahaba siyang fight scene."

Masaya naman daw ang cast off camera dahil sa mga hirit ni Gabby. Kuwento ni Jak Roberto na gumaganap bilang Jong, "Si Kuya Gab, talagang ano 'yan, siya 'yung bumubuhay ng grupo. Siya 'yung parang talagang nagpapagaan dito."

"Lagi siyang merong ihihirit na nakakatawa tapos magiging magaang ulit tapos ano nanaman kami ulit. Papasok kami ulit sa eksena." Paglalahad ni Glaiza. 

Kuwento ni Gabby ay sa likod ng drama sa kanilang programa ay masaya silang magkakatrabaho. "In reality masaya kami rito. We're like one happy family talaga."