TV

WATCH: Gabby Eigenmann, enjoy sa pagiging Duquessa sa 'Contessa'

By Michelle Caligan

Tumitindi na ang mga tagpo sa Afternoon Prime series na Contessa, kabilang na ang tapatan nina Contessa at Duquessa na ginagampanan nina Glaiza de Castro at Gabby Eigenmann.

WATCH: Contessa: Contessa's royal punishment | Episode 79

Sa ulat ni Lhar Santiago sa Unang Balita, ikinuwento ni Gabby na nag-e-enjoy siya sa kanyang kakaibang role.

Aniya, "I'm having fun, and natutuwa ako kasi, hindi ko sinasabing tanggap ng tao ang pag-transform ni [Duquessa], pero they are being entertained. So okay na ako doon."

Sinang-ayunan naman ito ni Glaiza. "Masaya ako na hindi siya 'yung traditional na antagonist na napapanood natin sa panghapon. And si Gabby naman kahit ano napu-pull off niya kaya ang sarap lang din sakyan nung mga binibigay niya."

Dagdag pa ng aktres, marami pang dapat abangan sa hit teleserye.

"Siyempre nagbalik na si Bea Caballero, at unti-unti na niyang natutupad ang mga pangako niya sa mga mahal niya sa buhay. So after nun, ano na ang mangyayari?"

Panoorin ang buong report dito: