Showbiz News

LOOK: Kapamilya teen star humanga sa morena beauty ni Gabbi Garcia

By Aedrianne Acar

Kasalukuyang nagbabakasyon ang Kapuso ‘Millennial It’ girl na si Gabbi Garcia kasama ang kaniyang pamilya sa Hawaii.

Makikita sa Instagram photo ng dalaga na sobra siyang nage-enjoy sa mga scenic spots ng island state sa U.S.

Litaw rin ang ganda ni Gabbi na panay ang pagpa-picture sa mga sikat na beaches sa Hawaii tulad na lang sa Waikiki.


Kahit ang Kapamilya teen star na si Maris Racal at anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan sobrang nagandahan sa Kapuso primetime star.

Silipin ang comments nila sa mga Instagram photos ni Gabbi.