Showbiz News

WATCH: Gelo Alagban at Angelic Guzman, naramdaman ang takot at panghihinayang nang matanggal sa Final 14 ng 'StarStruck'

By Cara Emmeline Garcia

Sa naganap na double elimination round noong Linggo, July 7, nagpaalam ang dalawang Artista Hopefuls na sina Gelo Alagban at Angelic Guzman dahil sila ang nakakuha ng pinakamababang scores sa StarStruck finalists.

Gelo Alagban and Angelic Guzman

Kuwento nina Gelo at Angelic kay 24 Oras reporter Nelson Canlas, ramdam nila ang takot at panghihinayang na maging kauna-unahang pares na matanggal sa season 7 ng kompetisyon.

Saad ni Gelo, “Wala po talaga sa intensyon ko na umiyak pero nag-pray lang po ako that time and biglang pumasok sa isipan ko 'yung Iloilo, 'yung family, and supporters.”

“Sobrang napakabigat po sa feeling kasi I really think na sobrang aga na magpaalam sa StarStruck.

Pahayag naman ni Angelic, “Mas nangibabaw po talaga 'yung thankful talaga ako.

“[I was scared] at some point, kasi gusto ko po talagang mag-stay, gusto ko pa pong matuto lalo at saka ma-challenge.”

Gelo Alagban at Angelic Guzman, nagpaalam na sa Final 14 ng 'StarStruck' | Ep. 8

Imbis na ma-discourage sa pagkatanggal sa kompetisyon, gagawing inspirasyon ito ng dalawa para pagbutihin pa ang kanilang talento sa pag-arte para makamit ang pangarap na makapasok sa showbiz.

Ayon kay Angelic, “At some point, parang sabi ko rin sa sarili ko na ito 'yung magiging inspirasyon ko na mas pagbutihin ko pa talaga,”

Dagdag pa ni Gelo,“Motivation rin po ito para sa iba na talagang 'pag may gusto kayo, pagpursigihan niyo, paghirapan niyo dahil makukuha niyo rin 'yun.”

Samantala, matapos ma-eliminate sina Gelo at Angelic ay pumasok naman ang second chancers na sina Radson Flores at Crystal Paras para mabilang sa Final 14 ng StarStruck.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

Radson Flores at Crystal Paras are back on 'StarStruck' as part of Final 14 | Ep. 7