Showbiz News

WATCH: Glaiza de Castro, kinaya bang pagsabayin ang 'Contessa' at Cinemalaya film na 'Liway?'

By Bea Rodriguez

 

Parehong pinagbibidahang ng Kapuso star na si Glaiza de Castro ang high-rating GMA Afternoon Prime soap na Contessa at ang 2018 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival entry na Liway.

 

 

Napasabak sa kantahan ang aktres sa indie film at aminado siyang nahirapan siyang pagsabayin ang gumawa ng soap at pelikula.

“Kinu-kwestiyon ko talaga ‘yung sarili ko noong bago ako mag-umpisa dito sa Liway kung kakayanin ko ba, kung kakayanin ba ng utak ko [at] ng katawan ko na gawin iyon. Hindi naging madali [pero] worth it lahat,” madamdaming sinabi ng bida-kontrabida sa Balitanghali.