Showbiz News

WATCH: 'Contessa' at 'Liway' ni Glaiza De Castro, naghakot ng awards

By Dianara Alegre

Tig-tatlo na ang best actress award na natanggap ni Kapuso star Glaiza De Castro para sa kanyang pinagbidahang serye na Contessa at Cinemalaya movie niyang Liway.

Ang pinakabago niyang natanggap na tropeo ay mula sa Luna Awards, ang taunang gawad-parangal para sa mga natatanging pagganap ng mga personalidad sa industriya ng pelikula sa bansa, handog ng Film Academy of the Philippines.

Ayon sa award-winning actress, unexpected daw ang kanyang pagkapanalo dahil mahuhusay ang kanyang mga nakalaban.

Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan ni Glaiza ang kanyang bagong Kapuso serye.

LOOK: Glaiza De Castro wins best actress award anew

Glaiza De Castro wins another acting award for 'Liway'