Showbiz News

READ: Sunshine Cruz unsure if she will marry BF Macky Mathay in the future

By Aedrianne Acar

“Bumati naman sila nung Father’s Day.”

Ito ang sagot ng Kapuso actress na si Sunshine Cruz sa tanong ng press people kung maayos ang relasyon ng mga anak niya sa estranged husband na si Cesar Montano.

READ: Sunshine Cruz, may mensahe sa mga hindi masaya sa paglipat niya sa GMA

LOOK: Meet Sunshine Cruz's boyfriend, Ismael "Macky" Mathay

Isa-isa sinagot ng celebrity mom ang tanong ng miyembro ng entertainment press sa media conference ng pinakabago niyang Kapuso soap na Kapag Nahati Ang Puso na idinaos sa GMA Network Center last July 6.

May tatlong anak na babae sina Cesar at Sunshine na sina Angelina, Samantha at Francesca.

Inamin naman ni Sunshine na laging nakasuporta ang non-showbiz boyfriend niya na si Ismael “Macky” Mathay sa kaniyang mga anak, pero naniniwala siya na gusto niya maayos in the future ang relasyon nila sa kanilang tatay.

“Macky is always there for them which we appreciate, pero siyempre tatay is tatay 'di ba. Eventually baka naman we are hoping na maayos din ang lahat. Baka kailangan lang niya ng more time.”

Pero handa na ba siya kung sakaling yayain siya ng kasal ni Macky?

“Ay ayusin muna namin ‘yung mga dapat ayusin, pero for now chill-chill lang muna 'di ba. Kumbaga let’s just cross the bridge when we get there. For now, we are in a happy state kami, happy place and ano lang sa edad namin ito hindi naman dapat ginagawang kumplikado.”

Dagdag niya, “I’m busy with my kids and in my work and he understands and supports me and my children in a way 'di ba. So, I’m thankful that someone like him is there for me.”

Diyos na lang din daw ang makakapagsabi kung nasa tadhana niya kung ikakasal siya muli for the second time.

Wika ni Sunshine, “Honestly for now, after my experience we’ll see na lang talaga, bahala na si God talaga sa kung ano ang mangyayari. Ang gusto ko lang talaga muna maayos 'yung dapat maayos and hopefully darating naman 'yan eh.”