Showbiz News

WATCH: Kim Rodriguez, pangarap maging DJ

By Gia Allana Soriano

Isa sa mga goals ng aktres na si Kim Rodriguez ay ang maging professional na DJ, kaya naman nag-invest talaga si Kim para sa new found passion niyang ito. 

Kuwento niya kay Rhea Santos sa Tunay Na Buhay, "Dati po kasi nanghihiram lang ako sa friends ko, kasi marami akong friends na DJ po. Tapos after po nun, bumili akong laptop. Nagbibigay na sila ng kanta sa akin. Tapos after po nun bumili na ako ng sarili kong gamit." Aniya, ang isa nga sa mga naipundar niyang gamit ay nasa halagang 50,000 pesos na. 

 

Tatlong taon na simula nang mahilig si Kim sa hobby na ito, at gusto rin ng aktres gawin ito professionally. Sa ngayon ay tumutugtog siya sa reunions nila, sa bahay, at once ay para sa event ng GMA Network. Ang dahilan kaya niya ito ginagawa ay dahil napapasaya talaga siya ng music.

Kuwento niya, "Sobrang nag-e-enjoy kasi pag-minsan pag-bored po ako, minsan kapag stress. 'Di ba po 'pag stress tapos kapag nakakarinig ka ng music, nagiiba 'yung mood mo."

Panoorin ang buong feature ni Kim dito:

Video from GMA Public Affairs