Showbiz News

Barbie Forteza at Jak Roberto, one year nang in a relationship

By Jansen Ramos

Isa sa mga highlights ng panayam ng Tunay Na Buhay kay Inday Will Always Love You lead star Barbie Forteza ay ang pag-amin niya sa real score nila ni Kapuso hunk Jak Roberto.

Unang nagkatambal ang dalawa sa 2017 rom-com series na Meant To Be kung saan isa si Jak sa mga leading men ng aktres. 

Sa unang pagkakataon, inihayag ni Barbie na isang taon na ang kanilang relasyon. Kwento niya, "Inuna niya pong ligawan 'yung mga magulang ko na parang sa panahon ngayon text text na lang."

Inihayag din ni Jak kung ano ang nagustuhan niya sa kanyang girlfriend.

"Napakaganda ng personality niya. Kumbaga, walang problema sa kanya, ang bilis niyang kausap, ang bilis niyang pakisamahan, and mapagmahal siyang tao." saad niya.

Noong una, hindi pa nila hayagang ipinopost ang kanilang mga litrato sa kanilang social media accounts. Pero ngayon, tila all-out na nilang ipinapakita ang kanilang sweetnesss online gaya na lamang sa bagong YouTube video ni Barbie na pinamagatang 'My Boyfriend Does My Makeup Challenge' na may halos 900,000 views na.

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: