Showbiz News

Paano ilarawan ni Jak Roberto si Barbie Forteza?

By Gia Allana Soriano

Sa feature about Barbie Forteza para sa Tunay Na Buhay, isa sa kanyang top 10 trivia about the actress ay ang one year na nilang relasyon ni Jak Roberto.


Nagkuwento rin si Jak tungkol sa kay Barbie sa kanyang interview sa show. Aniya, "Ang bilis niya pakisamahan, and mapagmahal siyang tao."

Dagdag pa niya, "'Yung Meant To Be nga, mas naging close kami sa isa't isa kasi mas nakakasama namin siya madalas, nakakausap. And na-discover ko na sobrang professional niya pala. And concern siya sa co-actors niya. So, sobrang laking tulong nun para maging compatible kami sa isa't isa."

Ika pa niya, beautiful inside and out si Barbie. Saad niya, "Napakaganda ng personality niya. Kumbaga, walang problema sa kanya, ang bilis niyang kausap. Ang bilis niyang pakisamahan and mapagmahal siyang tao."