Showbiz News

Alden Richards ends speculations that Eat Bulaga and GMA-7 want to break up AlDub

Successful ang naging grand media conference ng highly-anticipated telefantasya series ng Kapuso Network na Victor Magtanggol na ginanap sa Studio 7 ng GMA-7 compound kagabi, July 23.

Janine Gutierrez, ninerbiyos na tanggapin ang role sa 'Victor Magtanggol'

EXCLUSIVE: Direk Dominic Zapata airs frustration over 'Victor Magtanggol' bashers

Maraming miyembro ng press ang umattend sa naturang event kung saan diretsahan sinagot ni Alden ang ilan sa maiinit na isyu, kasama na rito ang estado nila ni Maine Mendoza at ng kanilang loveteam na AlDub.

Sumikat ang dalawa sa patok na segment ng Eat Bulaga taong 2015 at nakilala sa buong mundo bilang ang phenomenal loveteam na AlDub.

Alam ni Alden na maraming nagulat nang ianunsyo na hindi niya makakasama si Maine sa Victor Magtanggol, pero binigyan diin niya na parte ito ng buhay nila bilang artista.

Saad niya, “Marami po talagang nag-react na AlDub fans when they learned I’m doing a soap na hindi na po si Maine [Mendoza] ‘yung kapartner, pero kasi naman po ito naman po buhay naten bilang artista, trabaho lang naman po lahat. Wala pong personalan.”

Gusto din tapusin ng Kapuso actor ang mga haka-haka na tapos na ang AlDub at pinasinungalingan din ni Alden Richards na may plano ang Eat Bulaga at GMA-7 na paghiwalayan na sila.

Wika niya, “Kumbaga ginagawa ko po ‘to para sa personal growth ko and I’m sure si Maine po may mga ginagawa din for her personal growth. At linawin ko lang po na wala pa pong nagtatapos ng AlDub. Hindi pa po tapos ang AlDub andiyan pa rin siya.”

“Kasi marami na po nagsabi na parang ang Eat Bulaga daw po at ang GMA pinaghihiwalay kami, parang kami po kasi ang take po namin dun ni Maine, as long as nagkakaintindihan po kaming dalawa sa mga ginagawa namin okey po kami."

Dagdag pa ni Alden na ang mga solo projects na ginagawa ng AlDub ay malaking maitutulong sa pag-develop nila bilang aktor.

“So this is more of exploration of Alden, exploration of Maine para pagbumalik na po kami ulit makagawa po kami ulit ng proyekto as partners, kakaiba na po ‘yung mapapanood nila coming from the exploration na ginawa po namin individually.”

May paki-usap din ang Pambansang Bae sa mga bashers na lubayan ang mga female co-stars niya sa Victor Magtanggol na sina Andrea Torres at Janine Gutierrez.

“Again babalik nga po tayo dun sa trabaho lang po ito. Kumbaga, kung mayroon man po mga nangba-bash kay Janine at hindi lang kay Janine [Gutierrez] sa iba pang cast, tsaka kay Andrea [Torres] po, sa iba pong mga leading ladies, sana po huwag.”

“Kasi, hindi po nila deserve ['yun]. Kumbaga, ako na lang po. Ako na lang ‘yung i-bash nila kasi tutal sa akin naman sila may sama ng loob eh.”

Witness the action-packed journey of the newest modern-day superhero Victor Magtanggol beginning July 30 on GMA Telebabad.